PNP Chief, muling iginiit na hindi gawa ng terorista ang pagpapasabog sa Quiapo area kamakailan

29

Manila, Philippines – Nanindigan si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na totally different o magkaibang magkaiba ang ginagamit sa pambobomba ng Abu Sayyaf Group sa ginamit na pampasabog sa naganap na Quiapo blast nitong nakalipas na Sabado.

Paliwanag ni General Bato, nasabi niya ito dahil iba ang signature na ginagamit ng ASG sa nakuha pampasabog sa blast area.

Sa kanilang imbestigasyon lumalabas na may matagal nang alitan o away sa lugar.

Kung saan nagbanta aniya ang grupo ng mga muslim na reresbakan o gagantihan ang mga barangay tanod na nanakit sa kanila.

Ito aniya ang dahilan nang pagpapasabog na ikinasugat ng nasa 10 katao sa Quiapo area nitong Sabado.

DZXL558

Facebook Comments