
Handang-handa ang Philippine National Police (PNP) sa inaasahang ikalawang bugso ng Trillion Peso March at iba pang kilos-protesta na gaganapin sa susunod na buwan.
Ayon kay PNP acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakalatag na ang security template ng Pambansang Pulisya upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa anumang pagtitipon.
Ipinaliwanag pa ni Nartatez na napatunayan na ng PNP ang kanilang kahandaan sa mga espesyal na okasyon tulad ng Mayo a-uno, EDSA People Power Anniversary, at mga naging protesta noong Setyembre 21.
Dagdag pa ng opisyal, gagamitin ng PNP ang lahat ng kanilang kagamitan at pwersa upang matiyak na magiging mapayapa at maayos ang mga nakatakdang aktibidad.
Facebook Comments









