PNP, handang hukayin ang labi ng 14-taong gulang na binatilyo na napagkamalang si “Kulot’ kung ipag-uutos ng korte

Manila, Philippines – Handa ang Philippine National Police na hukayin ang labi ng 14 na taong gulang na binatilyo na una nang napagkamalang si Reynaldo de Guzman alyas Kulot.

Ayon kay PNP CIDG NCR Chief Sr Supt Wilson Asueta sakaling maglabas ng kautusan ang anumang korte ay hindi sila magda dalawang isip na gawin ang paghukay sa bangkay ng binatilyo.

Aniya sa ngayon tuloy ang kanilang imbestigasyon para makabuo ng mga circumstances para makapagsampa ng kaso kina Eduardo Gabriel at Lina de Guzman


Nanindigan ang PNP na hindi si Kulot ang inilibing kanina batay sa DNA testing na ginawa ng PNP crime laboratory.

Kahapon nagpadala ang PNP CIDG ng mga tauhan sa burol ng 14-taong gulang na binatilyo sa Cainta Rizal para kunin ang bangkay pero hindi ito binigay ng magulang ni Reynaldo de Guzman.

Facebook Comments