PNP-HPG, binalaan ang mga nagpapakalat ng lumang video ng isa nilang tauhan na nangongotong sa Pasay City

Nagbabala ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) laban sa mga nagpapakalat ng isang lumang video na nagpapakita ng umano’y pangongotong ng isang tauhan nila sa Pasay City.

Ayon kay PNP-HPG Spokesperson PLt. Nadame Malang, 2018 pa ang video at ang pulis na sangkot dito ay matagal nang nakasuhan at nasibak noon pang 2019.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang PNP-HPG sa Anti-Cybercrime Group para kasuhan ang apat na indibidwal na tinukoy na responsable sa pagpapakalat o pagre-upload ng video.

Hinihimok din ni Malang ang publiko na maging mapanuri sa mga napapanood sa social media at agad i-report sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang video.

Facebook Comments