PNP, mayroon nang sinusundang lead hinggil sa umano’y mastermind sa Percy Lapid slay case na si dating BuCor Superintendent Ricardo Zulueta!

74

Kinumpirma ni Roy Mabasa, kapatid ng pinatay na betaranong mamamahayag na si Percy Lapid na mayroon nang sinusundang lead ang Philippine National Police (PNP) hinggil kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Directorate for Security and Operations Superintendent Ricardo Zulueta, isa sa mga isinasangkot sa pagpaslang kay Lapid.

Ayon kay Mabasa, pauubaya na niya sa PNP ang isinasagawang hakbang laban kay Zulueta.

Sina Zulueta at suspended BuCor Director General Gerald Bantag ay sinasabing mga mastermind sa Percy Lapid slay case at sa pagkamatay sa sinasabi naman na middleman na si Jun Villamor.


Samantala, sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaninang umaga ay “no show” si Zulueta at walang abogado at kinatawan ang pumunta.

Facebook Comments