PNP, naka-red alert kasabay ng state visit ni PBBM

79

Naka-red alert status ngayon ang Philippine National Police (PNP).

Ito ay kasunod na rin ng kauna-unahang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Chiquito Malayo, bahagi ito ng pagpapaigting ng seguridad sa bansa habang wala ang punong ehekutibo.


Si Malayo rin muna ang tatayong officer-in-charge PNP chief dahil kasama si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., sa state visit ni Pangulong Marcos.

Sa official schedule ng pangulo, nasa Indonesia ito mula September 4 hanggang 6 habang nasa Singapore naman ang presidente mula September 6 hanggang 7.

Facebook Comments