
Plano ng Philippine National Police (PNP) na makipagtulungan sa pribadong ospital kung nasaan si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan kapag nailipat na ito sa PNP General Hospital sa Camp Crame, Quezon City.
Nabatid na pinayagan ng Sandiganbayan ang hospital arrest nito sa ospital ng PNP.
Ayon kay PNP General Hospital Chief PCol. Cleto Manongas, papayagan nila na makabisita ang mga doktor ni Bonoan sa PNP General Hospital.
Tiniyak naman ng PNP na sakaling mailipat na ito muli sa ospital sa Kampo Krame ay nakahanda na ang kwarto nito Bonoan maging ang monitoring na gagamitin para sa kanya at mga doktor at nurses.
Hinihintay naman ang clearance ng nasabing pribadong ospital para tuluyan nang makalipat ang nasabing dating kalihim dahil hinihintay pa ang resulta ng 2D Echo at Angiogram nito.










