PNP, tiniyak ang buong suporta kay President-elect Bongbong Marcos at VP- elect Sara Duterte

98

Ipinaabot ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge PLt. Gen. Vicente Danao ang pagbati ng Philippine National Police kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Ito ay matapos ang pormal na proklamasyon ng dalawang opisyal bilang susunod na mga pinuno ng bansa kahapon.

Sa isang statement, tiniyak ni Danao ang buong suporta ng 225 libong tauhan ng PNP sa susunod na administrasyon.


Magpapatuloy aniya ang PNP sa pagganap ng kanilang tungkulin na paglingkuran at protektahan ang mamamayang Pilipino.

Tiniyak din ni Danao na mananatiling tapat ang buong hanay ng PNP sa konstitusyon, sa watawat ng Pilipinas, at sa “duly constitued authorities”.

Facebook Comments