PNP, tiniyak na hindi magagamit sa political intimidation ang revitalized katok

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil sa publiko na ang revitalized katok ay legal at proactive initiative na naglalayong masiguro ang responsableng pag-aari ng baril at maiwasan ang pagdami ng mga iligal na armas.

Ipinaliwanag ni Gen. Marbil na ang katok ay bahagi ng PNP firearm regulation efforts, kung saan personal na binibigyan ng paalala ang mga may-ari ng baril ukol sa kanilang obligasyong i-renew o ideposito ang kanilang armas.

Taliwas aniya ito sa paratang na magagamit ito sa pananakot sa panahon ng halalan.


Taon-taon aniya isinasagawa ang programa upang matiyak na sumusunod ang mga gun owners sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Pinagtibay rin ng PNP ang kanilang political neutrality at ang kanilang pangako sa kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments