
Pinakikilos ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga magulang at mga local government units para mapababa ang kaso ng teenage pregnancies at human immunodeficiency virus (HIV) infections sa buong bansa.
Sa ginanap na pagdinig sa Senado, binigyang-diin ni Gatchalian na dapat manguna ang mga magulang sa paghubog sa asal ng mga kabataan para maprotektahan sila sa magiging resulta kapag nagpasaway.
Ang apela ni Gatchalian ay kaugnay sa buo at epektibong pagpapatupad ng Parent Effectiveness Service (PES) Program Act (Republic Act No. 11908).
Giit ni Gatchalian, kailangang gawing mas “involve” o may pakialam ang mga magulang sa isyung ito hindi lang sa pamamagitan ng regular na pakikipagpulong sa kanila kundi sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtulungan.
Paliwanag pa ng senador, kapag pinakilos ang mga magulang ay mas naipapabatid sa kanila ang problema at mas mabibigyan sila ng paraan pagdating sa kung papaano makipagusap sa mga anak tungkol sa mga sensitibong isyu.