CASH-FOR-TRASH PROGRAM, ISINUSULONG SA BAYAMBANG

Isang programang magbibigay ng cash o food packs kapalit ng recyclable materials ang planong ipatupad sa Bayambang, Pangasinan.

Sa ilalim ng tinatawag na “Cash Trash Back,” maaaring magkaroon ng halaga ang mga recyclable na basura ng mga residente sa halip na tuluyang mapunta sa mga tambakan o daluyan ng tubig.

Tinalakay ang panukala noong Agosto 12 sa 2nd Quarter Sectoral Meeting kaugnay ng Bayambang Poverty Reduction Plan 2018–2028.

Bukod sa pagbawas ng basura, layunin ng programa na magkaroon ng direktang pakinabang ang mga residenteng lalahok sa pangongolekta at pagsasauli ng recyclable materials.

Kasabay nito, pinag-aaralan din ang paglulunsad ng tobacco production program bilang bahagi ng agriculture modernization sa bayan. Target nitong mabigyan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga magsasakang lalahok sa programang popondohan ng lokal na pamahalaan.

Nasa proposal stage pa ang mga programa at hinihintay pa ang detalye sa mekanismo, pondo at iskedyul ng implementasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments