Pope Francis, nagtalaga ng bagong obispo ng Diocese of Daet sa Camarines Norte —CBCP

Itinalaga ni Pope Francis ang isang misyonerong pari mula sa Paranaque City bilang bagong obispo ng Diocese of Daet sa Camarines Norte.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP, papalitan ni Fr. Hernan Abcede na isang rogationist missionary si Archbishop Rex Andrew Alarcon, na inilipat naman sa Archdiocese of Caceres noong nakaraang taon.

Ang bishop-elect ang ikaapat na obispo sa naturang diyosesis na nakakasakop sa mga parokya sa Camarines Norte.

Si Abcede ay inordinahan pari noong 1996 at kasalukuyang superior ng Community of Our Lady of the Most Holy Rosary sa Parañaque.

Isa rin siyang canon lawyer na nag-aral sa Roma tungkol sa batas ng simbahan at nagsisilbing Defender of the Bond para sa Archdiocese of Manila at Diocese of Parañaque.

Facebook Comments