Presidential candidate at Senador Ping Lacson, tiwalang hindi iiwanan ng kaniyang running mate na si SP Tito Sotto

Nanindigan si presidential candidate at Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi siya iiwanan ng kaniyang running mate na si vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Lacson, tatapusin nila ni Sotto ang karera hanggang sa Mayo 9, 2022 national elections dahil mayroon na silang pinag-uusapan ni Sotto kung saan noong nagpasya silang ilunsad ang kanilang kandidatura ay tatapusin nila ang kanilang laban.

Paliwanag pa ni Lacson na magkasama silang nag-file ng certificate of candidacy (COC) hanggang May 9, 2022 at anumang ikaaangat ni Sotto sa kanyang kandidatura.


Dagdag pa ni Lacson na kung mayroon mag-aadopt kay Sotto bilang vice presidential candidate ay wala aniyang problema sa beteranong senador dahil alam niya kung saan siya tatayo at alam din ni Lacson kung saan siya lulugar.

Facebook Comments