Presidential candidate Ferdinand Marcos Jr., nangampanya sa Zambales

Tumungo kahapon sa lalawigan ng Zambales sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasama si Lakas-Christian Muslim Democrats (LCMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sarma Duterte para mangampanya.

Ayon kay Zambales Governor Hermogenes “Jun” Ebdane Jr., buo ang kanyang suporta sa BBM-Sara tandem at naniniwala siyang majority ng mga taga-Zambales ay iboboto ang BBM-Sara tandem sa darating na Mayo 9 election.

Bukod sa courtesy call kay Governor Ebdane, tumungo rin sina BBM-Sara sa Khonghun Compound, Barangay Aningway, Sacatihan, Subic at nakipagkita sa mga senior citizen.


Pero bago ito ay nitong Sabado ng gabi, tumungo si Mayor Sara Duterte sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan, nagsagawa ng rally at isang araw na motorcade sa kanilang siyudad ang kandidato.

Sa isinagawang rally, tiniyak ni Mayor Sara sa mga local official ng Caloocan na maipagpapatuloy ang mga programa sa imprastraktura at kampanya laban sa iligal na droga.

Facebook Comments