Presidential Commission for the Urban Poor, humiling na maibalik na sa pamamahala ng Office of the President

Nanawagan ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na maibalik na ito sa pamamahala ng Office of the President (OP).

Ayon kay PCUP Chairman Meynardo Sabili, noong panahon ng administrasyong Duterte ay inilipat ang kanilang supervision sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaugnay rito, ilang araw umano matapos siyang umupo sa pwesto ay kaagad siyang lumiham kay Executive Secretary Lucas Bersamin upang mailipat muli sila sa tanggapan ng Pangulo.


Nagpadala na rin umano ang OP ng communication letter sa DSWD kaugnay ng hiling, at wala naman umanong pagtutol dito si DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Sinabi naman ni Sabili na ang pagnanais na bumalik sa OP ay hindi nangangahulugang wala siyang tiwala kay Sec. Gatchalian.

Facebook Comments