Presyo ng asukal, tumaas dahil sa kakulangan ng supply – SRA

114

Tumaas ang presyo ng asukal sa bansa dahil kulang na ang supply nito.

Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), ang dating ₱1,700 na presyo ng isang sako ng puting asukal, ito ay umakyat na sa mahigit ₱3,000.

Habang ang dating presyo ng isang sako ng pulang asukal na ₱2,000 ay umakyat na sa ₱2,700 ngayon.


Napinsala raw kasi ng Bagyong Odette ang malalaking sugar refinery sa Negros.

Tiniyak naman ng SRA na tatlong buwan pa ang itatagal ng stock ng raw sugar sa bansa, at halos dalawang buwan naman sa refined sugar.

Dagdag pa ng SRA na may parating na 200 metric tons na o apat na milyong bags ng asukal sa bansa na mula sa China at Vietnam.



Inaasahan ng SRA na bababa ang presyo ng asukal kapag dumating na ang imported na asukal sa susunod na buwan.

Facebook Comments