Nakaambang krisis sa pagkain at gutom, hamon sa susunod na administrasyon

97

Sa tingin ni Senator Francis “Kiko Pangilinan, isang hamon sa susunod na administrasyon na bigyang solusyon ang malawakang gutom at ang pagsirit ng presyo ng pagkain.

Ayon kay Pangilinan, ito ay dahil hindi lang presyo ng gasolina ang apektado ng kasalukuyang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil malaking dagok din ito sa food security sa ating bansa.

Tinukoy rin ni Pangilinan ang inilabas na report ng UN Food and Agriculture Organization noong Marso, itinigil na muna ng dalawang bansa ang pag-e-export ng iba’t ibang uri ng grain shipments tulad ng wheat at corn.


Ayon kay Pangilinan, ramdam na ng ibang bansa ang epekto ng pagtigil ng eksportasyon na ito at hindi magtatagal ay mararamdaman na rin ito rito sa Pilipinas.

Kaya naman mungkahi ni Pangilinan sa susunod na administrasyon, tutukan ang problema ng gutom sa pamamagitan ng pagpapatibay sa sektor ng agrikultura.

Binanggit ni Pangilinan na may mga batas na tayo na naglalayong bigyang tugon ang problemang ito katulad ng Sagip Saka Act of 2019 na kapag naipatupad nang maayos ay tiyak magbibigay ng pantay na oportunidad sa ating mga magsasaka at mangingisda.



Giit ni Pangilinan, kapag sinuportahan sila nang buo nang hindi ibinubulsa ang pondo, tiyak dadami ang kanilang ani na magreresulta sa pagdami ng supply ng pagkain at pagbaba ng presyo nito.

Facebook Comments