PWDS AT SENIOR CITIZENS SA ALAMINOS CITY, SASAILALIM SA DATA CAPTURE PARA SA SMART CITY PROGRAM

‎Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ng malawakang thumbprint, lagda, at photo capturing para sa mga Persons with Disability (PWDs) at senior citizens bilang bahagi ng pagpapatupad ng Alaminos City Smart Program.
‎‎Sa ilalim ng programang Project ACCESS (Alaminos City Citizens E-Services Solutions) kung saan layunin na makabuo ng mas kumpleto at napapanahong database ng mga benepisyaryo upang mapahusay ang paghahatid ng mga serbisyo sa lungsod.

‎Pangungunahan ng City Planning and Development Office, katuwang ang City Social Welfare and Development Office, ang aktibidad na gaganapin sa Alaminos City Sports Complex (Gymnasium) ayon sa itinakdang iskedyul para sa bawat barangay at sitio na ibinhagi sa opisyal facebook page ng LGU.

‎Bahagi ng inisyatiba ang pangangalap ng tumpak na impormasyon, thumbprint, lagda, at litrato ng mga benepisyaryo upang matiyak ang wastong pagkakakilanlan at mas mapadali ang pag-access sa mga programang pangserbisyo ng lokal na pamahalaan.

‎Hinikayat naman ng mga opisyal ang lahat ng PWDs at senior citizens na makiisa at sumunod sa itinakdang iskedyul ng kanilang lugar upang maging maayos ang daloy ng pagpapatupad ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments