PRESYO NG MGA PRODUKTONG ISDA, BALIK-NORMAL NA MATAPOS ANG SEMANA SANTA

Unti-unti nang bumalik sa dating presyuhan ang mga produktong isda sa Dagupan City matapos itong tumaas noong Semana Santa.

 

Naglaro sa P30 hanggang P60 ang itinaas sa kada kilo ng ilang mga produkto.

 

Ilan sa mga nakitaan ng pagtaas na mga lamang-dagat tulad ng alimango, alimasag, hipon maging ang pusit.

 

Tumaas din ang per kilo ng bangus, malaga, habang nananatili sa presyuhan ang shellfish product na talaba na nasa P80 hanggang P100.

 

Ayon sa mga tindera na nakapanayam ng IFM News Dagupan, lumakas daw ang bentahan ngayong Semana Santo lalo noong Biyernes Santo.

 

Samantala, bagamat onti-onti na ang pagbalik sa dating presyuhan nito ay inaasahang muling tatangkilikin ang mga produkto ngayong selebrasyon ng Pistay Dayat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments