
Cauayan City — Bumaba ang presyo ng school supplies sa lungsod ng Cauayan kaya’t dagsa ang mga magulang sa mga pamilihan para mag “rush buying”.
Ayon kay Ginang Erlinda Ubod, mas pinili niyang bumili ng gamit ng kanyang mga apo sa huling oras dahil mas mababa na ang presyo nito.
Ibinahagi rin niya na siya ay tumatanggap ng labada upang makaipon ng pambili ng gamit ng kanyang mga apo. Sa kabila ng limitadong kita, sinisikap umano niyang mapunan ang pangangailangan ng mga bata sa darating na pasukan.
Hinikayat din ni Ginang Erlinda ang iba pang magulang na samantalahin ang mababang presyo ng school supplies lalo na’t mabilis maubos ang mga gamit pang eskwela.
Samantala, Ang presyo ng notebook ay naglalaro na lamang sa 17 pesos hanggang 45 pesos, habang ang mga bag ay nagkakahalaga ng 350 hanggang 450 pesos depende sa klase at disenyo.