Hoarding ng puting sibuyas, pinabulaanan ng grupo ng magsasaka

75

Pinabulaanan ng Samahan ng Industriya at Agrikultura (SINAG) ang mga napaulat na hoarding ng puting sibuyas sa gitna ng kakapusan ng suplay nito sa bansa.

Ayon kay SINAG President Rosendo So, ang meron sa ngayon ay mga pulang sibuyas na tatagal ng hanggang Disyembre o Enero.

Dagdag pa ni So, na lumabas sa kanilang pagpupulong kasama ang mga grupo ng magsasaka, importers, at mga retailers na pulang sibuyas lamang talaga ang may sapat na suplay ngayon.


Kung mayroon aniyang dapat na i-angkat, ito ay ang puting sibuyas para magkaroon ng sapat na suplay nito sa bansa.

Facebook Comments