Price matrix ng mga pangunahing bilihin, dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno sa halip na ang ‘Oust Duterte Matrix’

 

Pinasosolusyunan nila Gabriela Reps. Arlene Brosas at Emmi de Jesus ang nakaambang na pagtataaas sa presyo ng ilang mga pangunahing bilihin.

 

Giit ng mga kongresista, dapat na pagtuunan ng pansin ng palasyo ng Malakanyang ang ‘price matrix’ ng mga pangunahing bilihin sa halip na ang walang basehan na ‘Oust Duterte Matrix’.

 

Simula bukas ay magtataas ng piso ang presyo ng sardinas, instant noodles, bottled water at condiments.


 

Malaking pasanin ito sa mga mahihirap na pamilya lalo pa’t may dagdag na singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan.

 

Pinatitigil na ng mga kongresista ang ginagawang pagtatahi-tahi ng Malakanyang sa matrix ng umano’y nilulutong pagpapatalsik sa Pangulo na kalaunan ay inamin naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na galing lamang sa ‘unknown source’ ang matrix.

Facebook Comments