PRO 11, naniniwalang nasa Davao pa rin si Quiboloy

 

Kumpyansa si Philippine National Police (PNP) Police Regional Office 11 Director PBGen. Alden Delvo na nananatili pa rin sa Davao si Pastor Apollo Quiboloy na leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Sa impormasyon ni Delvo na ipinarating sa Kampo Krame, sinabi nitong nakahanda ang PRO 11 na arestuhin ang religious leader.

Ani Delvo, hinihintay lamang nila ang kopya ng arrest order mula sa Senado at ang go signal mula sa PNP Headquarters para ipatupad ang nasabing kautusan.


Sinabi pa ni Delvo na matagal na silang nakahanda para sa pag-aresto kay Quiboloy kung saan kanila ring pinagplanuhan ang contigency saka-sakaling harangin ang pulisya maging ang Senate Sgt. at Arms ng supporters ni Quiboloy.

Kasunod nito, umaapela ang opisyal sa supporters ni Quiboloy na manatiling mahinahon upang maging mapayapa at maayos ang pag-aresto rito ng mga awtoridad.

Facebook Comments