PRO 3, magbibigay ng reward money sa makapagbibigay ng impormasyon sa isa pang suspek na nakapatay ng 2 pulis sa Bulacan

Nag-alok ng ₱100,000.00 na pabuya ang Police Regional Office 3 (PRO 3) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa isa pang suspek na nakatakas na sangkot sa pagpatay sa 2 pulis sa Bocaue, Bulacan, nitong Sabado, March 8, 2025.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson at PRO 3 Regional Director PBGen. Jean Fajardo, nagpapatuloy ang kanilang hot pursuit operations laban sa suspek na si Xander.

Sa ngayon, nasa labas na ng Bulacan ang sentro ng operasyon ng mga awtoridad dahil sa impormasyong nakalabas na ito ng lalawigan.

Ito’y matapos maaresto sa Pandi, Bulacan ang kasabwat ni Xander na si alyas Bagat.

Kasunod nito, tiniyak ni Fajardo ang tulong para sa naulilang pamilya ng mga nasawing pulis na sina PStaff Sgt. Dennis Cudiamat at PStaff Sgt. Gian George Dela Cruz.

Facebook Comments