Tuesday, July 21, 2026

PRO1 NAGSAGAWA NG OPLAN BES, MGA LEKSYONG PANG-EDUKASYON AT GIFT-GIVING SA LA UNION

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng Police Community Relations (PCR) Month, nagsagawa ang Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) ng Police Regional Office 1 (PRO1), katuwang ang La Union Police Provincial Office (LUPPO) at National Police Commission Regional Office 1 (NAPOLCOM RO1), ng Oplan BES (Bisita Eskwela) sa Al-Alinao Sur Elementary School sa Barangay Al-Alinao Sur, Naguilian, La Union noong Hulyo 17, 2026.

Nakinabang sa naturang programa ang 87 mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 sa pamamagitan ng mga talakayang pang-edukasyon tungkol sa wastong pangangalaga sa kalusugan at personal na kalinisan, pag-iwas sa bullying, child protection, at Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC).

Bukod sa mga lektura, naging mas masaya ang aktibidad sa pamamagitan ng mga interactive games na nilahukan ng mga mag-aaral. Namahagi rin ang mga organizer ng hygiene kits, tsinelas, school supplies, mga laruan, educational materials, at packed meals upang makatulong sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na pangangailangan.

Ayon sa PRO1, layunin ng programa na higit pang patatagin ang ugnayan ng Philippine National Police sa sektor ng edukasyon at sa komunidad, habang isinusulong ang pangangalaga sa mga bata, responsableng paggamit ng digital na teknolohiya, at ang kabuuang pag-unlad ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments