Kabilang sa mga lokasyong may libreng internet access ang Bolaoen Barangay Hall, Gumot Elementary School, Gumot Barangay Hall, San Fabian Integrated School sa Inmalog Sur, Bigbiga Barangay Hall, Binday National High School, at San Fabian National High School.
Magagamit umano ang libreng WiFi para sa pag-aaral, pagtatrabaho, pananaliksik, pakikipag-ugnayan sa pamilya at mga kaibigan, at pagkuha ng mahahalagang impormasyon at balita.
Hinimok naman ang publiko na gamitin ang libreng serbisyo nang may pananagutan at iwasan ang paggamit nito sa anumang ilegal o mapanirang gawain.
Inaasahan na ang proyektong ito ay makatutulong sa pagpapalawak ng digital connectivity sa San Fabian at magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga residente sa larangan ng edukasyon, komunikasyon, at kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










