Proklamasyon sa 12 nanalong senador ngayong araw, all-set na!

475

All-set na ang proklamasyon para sa 12 nanalong senador sa katatapos lang na 2022 national and local elections.

Sa mga oras na ito ay mahigpit na ang seguridad sa PICC Forum Tent sa Pasay City sa venue ng proclamation ceremony na gaganapin mamayang alas-4:00 ng hapon.

May mga nakapwesto rin na police dog sa lugar na siyang mag-iinspeksyon ng bag at equipment na ipapasok sa loob ng tent saka susundan ng X-ray scan.


Hindi na rin pinapayagang makapasok sa loob ng compound maging ang mga sasakyan ng media.

Samantala, pagdating sa setup sa loob ng PICC, mauupo sa black seats sa unahan ang mga nahalala na senador; sa brown seats naman ang mga VIP at guest ng mga senador at sa orange seats para sa mga tauhan ng Comelec.

Kabilang sa 12 winning senators sina:



1. Robin Padilla
2. Loren Legarda
3. Idol Raffy Tulfo
4. Sherwin “Win” Gatchalian
5. Chiz Escudero
6. Mark Villar
7. Allan Peter Cayetano
8. Migz Zubiri
9. Joel Villanueva

10. JV Ejercito
11. Risa Hontiveros
12. Jinggoy Estrada


Facebook Comments