PRRD, magdo-donate ng isang buwang sahod para sa paglaban ng Gobyerno sa COVID-19

1487

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang buwang sahod nito para sa paglaban ng Gobyerno kontra COVID- 19.

Ayon kay Panelo, nasa 400,000 pesos ang buwanang sahod ng Pangulo.

Sinabi pa ni Panelo na ido-donate rin niya ang 75 porsyento ng kaniyang buwanang sweldo simula Abril hanggang Disyembre.

Una nang nag-donate ang assistant secretaries na nakatalaga sa Office of the Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman ng 10 porsyento ng kanilang sahod sa abril sa Office of Civil Defense.

Habang ipagpapatuloy din ng assistant secretaries ang pagbibigay ng naturang halaga sa mga susunod na buwan sa iba’t ibang grupo ng mga frontliners.

Facebook Comments