Public School Teacher, Arestado sa umano’y Pagbebenta ng Iligal na Droga

15
Cauayan City, Isabela- Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 ang isang Public school teacher matapos maaresto ikinasang drug buy-bust operation dakong alas- 4:00 ng hapon noong May 3, 2022 sa Sta. Maria St., corner San Mariano St., Brgy. Malapat, Cordon, Isabela.

Ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2, kinilala ang suspek na si Drepol Palpallatoc, 38-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Magsaysay, Cordon, Isabela.

Nadakip ang Guro matapos maaktuhan ang umano’y pagbebenta nito ng isang pakete ng iligal na droga kapalit ang P5,000 mula sa ahente ng PDEA na nagsilbing poseur buyer.

Nakumpiska rin sa suspek ang isang cellphone at motorsiklo na kanyang gamit.

Kasalukuyang nasa kustodiya ito ng PNP Cordon para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments