Sa abisong inilabas sa isang page ng state university, hinikayat ang publiko na iwasang maglakad nang mag-isa, lalo na sa gabi, at manatiling alerto sa kanilang paligid.
Ayon sa Barangay San Vicente, nakaantabay ang mga opisyal at may command center na maaaring tawagan anumang oras, 24 oras kada araw.
Nagsasagawa rin umano ng mga ronda tuwing gabi upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lugar.
Gayunman, batay sa pinakahuling impormasyong nakalap, wala pang naiuulat na kaugnay na insidente sa barangay at pulisya.
Batay rin sa naturang post, layunin ng abiso na paigtingin ang kamalayan ng publiko at hikayatin ang lahat na mag-ingat.
Patuloy namang sinusubukang makuha ang panig ng pamunuan ng page na naglabas ng abiso upang matukoy ang iba pang detalye kaugnay ng iniulat na insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








