Puerto Princesa City, Palawan, lubog sa baha dahil sa mga pag-ulang dala ng shearline

Lubog sa baha ang ilang barangay sa Puerto Princesa City, Palawan dahil sa malakas na mga pag-ulan kahapon.

Sa Golden Tree, Purok Narra, Barangay Sicsican, ilang residente ang inilikas matapos na umabot hanggang dibdib ang baha.

Ilang bahay rin ang pinasok ng baha sa Barangay Bancao-bancao.


Sa video na ibinahagi ni Jean Carbos sa social media, makikita ang hanggang tuhod na baha na galing daw sa umapaw na drainage.

Nabasa ang halos lahat ng kanilang mga gamit na hindi na nila nagawang isalba dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig.

Baywang hanggang dibdib din ang taas ng baha sa Barangay San Manuel, San Miguel, San Jose, San Pedro, Irawan, Tagburos at Tiniguiban.

Katuwang ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pag-rescue sa mga binahang residente ang tropa ng Marine Battalion Landing Team-9.

Tumulong din ang Philippine Red Cross kung saan kasamang inilikas ang mga alagang hayop.

Facebook Comments