
Kinumpirma ng Bureau of Immigration na nasakote na ulit nila ang puganteng Korean national na si Na Ikhyeon.
Ito ay ilang araw mula nang tumakas ito noong March 4.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, naaresto si Na Ikhyeon sa Barangay Pampang sa Angeles City, Pampanga matapos ang ikinasang follow-up operation.
Kasama sa naaresto ang kababayang umano’y pasimuno ng pagtakas nito.
Naaresto ang naturang dayuhan nonog May 2023 pero hindi agad naipa-deport dahil sa kasong estafa na isinampa sa kaniya ng isang Pinay.
Sa kasagsagan naman ng pagdinig sa kaniyang kaso tumakas ang salarin.
Una nang sinibak ang tauhan ng Immigration na sinasabing kasabwat ng dayuhan kaya naisagawa ang pagtakas.
Facebook Comments