
Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na kasalukuyang nasa Hong Kong si Vice President Sara Duterte, March 9.
Ito ay para dumalo sa “Pasasalamat kay PRRD with OFWs” na gagawin sa Wan Chai Hong Kong ngayong araw.
Naiulat din na ang nasabing event ay isang campaign sortie ng PDP Laban kung saan inaasahan na dadalo ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing pagtitipon.
Sinabi ng Office of the Vice President na babalik din agad sa bansa si VP Sara upang dumalo sa mga pagdiriwang ng Araw ng Dabaw.
Facebook Comments