164 INDIGENT DAGUPEÑO, NAKATANGGAP NG AICS ASSISTANCE

Umabot sa 164 indigent Dagupeños ang nabigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa kanilang burial, medical, at livelihood assistance.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na magbigay ng agarang ayuda sa mga residenteng dumaranas ng iba’t ibang uri ng krisis at nangangailangan ng suporta mula sa gobyerno.

Nagpasalamat ang pamahalaang lungsod sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Treasurer’s Office, at Social Services Unit sa kanilang patuloy na pagtitiyak na ang tulong ay naipagkakaloob nang maayos at direktang napakikinabangan ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Kasabay ng pamamahagi ng ayuda, pinalawak din ng lungsod ang information drive sa pamamagitan ng mga lecture at safety reminders na pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Women’s Center, katuwang ang mga psychometrician.

Iginiit ng lokal na pamahalaan na patuloy itong magsasagawa ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga Dagupeño at nananatiling handang umagapay sa mga residenteng higit na nangangailangan ng tulong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments