TREE TRIMMING AT ROAD CLEARING, ISINAGAWA SA INFANTA

Nagsagawa ng tree trimming at road clearing operations ang pamahalaang lokal ng Infanta bilang bahagi ng hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, maprotektahan ang mga linya ng kuryente, at mapanatiling malinis at ligtas sa panganib ang mga pangunahing lansangan.

Isinagawa ang clearing operations sa pakikipagtulungan ng Panelco I, Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Ayon sa lokal na pamahalaan, malaki umano ang naging ambag ng mga nasabing ahensya sa maayos at matagumpay na pagpapatupad ng mga operasyon para sa kaligtasan ng publiko.

Samantala, inanunsyo rin ng LGU na ang susunod na yugto ng road clearing ay isasagawa sa mga panloob na kalsada ng Infanta.

Gagawin ito sa pakikipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa mga barangay council upang matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments