Pulis vlogger, dinisarmahan at isinailalim na sa police custody

Nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) si Police Staff Master Sgt. Teejay Virtucio.

Ayon kay PNP Spox at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, dinisarmahan na rin ng PRO4A ang nasabing pulis.

Sinabi ni Fajardo na maliban sa dinidinig na kasong administratibo, sasampahan din ng kasong kriminal si Virtucio at isa pang kasabwat na at-large.


Ang pulis vlogger na si Virtucio ay sangkot sa kasong panggagahasa kung saan nananatili pa rin sa ospital ang biktimang teller sa sabungan sa Batangas, dahil sa umano’y trauma sa insidente.

Lumabas din ani Fajardo sa medico legal na nagpositibo sa penetration ang katawan ng biktima.

Sa ngayon, hinihintay pa ng PNP ang resulta ng toxicology test para mabatid kung drinoga rin ang biktima.

Facebook Comments