Nabuwal ang isang malaking puno ng acacia at pansamantalang humarang sa bahagi ng national highway sa Purok 5, Barangay Embarcadero, Mangaldan, Pangasinan noong gabi ng Agosto 8, 2026.
Agad namang nagsagawa ng clearing operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang alisin ang puno na nakaharang sa kalsada at maibalik ang normal na daloy ng mga sasakyan.
Sa kasalukuyan, madaraanan na ang naturang bahagi ng highway at nagsimula na ring gamitin ng ilang motorista ang ruta. Kabilang sa mga karaniwang dumaraan dito ang mga motorista mula Manaoag, San Jacinto at Mangaldan na patungong Dagupan City.
Ayon sa lokal na pamahalaan, matagal nang napapansin ang kondisyon ng puno at itinuring na itong posibleng panganib sa mga motorista at pedestrian, lalo na dahil sa pagkakatagilid nito.

Gayunman, ipinaliwanag ng pamahalaan na hindi ito agad naalis dahil kinakailangan munang makumpleto ang kaukulang proseso at mga pahintulot bago maisagawa ang pagputol sa puno.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasaktan kaugnay ng pagkakabuwal nito.
Samantala, patuloy na pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat sa pagdaan sa lugar, lalo na’t basa ang kalsada dahil sa pag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments