TOP 7 MOST WANTED PERSON SA SAN JACINTO, ARESTADO ‎

‎Timbog ang isang lalaking kabilang sa Top 7 Municipal-Level Most Wanted Persons ng bayan ng San Jacinto matapos itong maaresto ng mga operatiba ng San Jacinto Municipal Police Station.

‎Kinilala ng pulisya ang suspek bilang isang 26 anyos na truck helper na residente rin ng naturang bayan.

‎Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng inilabas na Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Frustrated Murder.

‎Mayroong itinakdang piyansang nagkakahalaga ng ₱200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

‎Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang proseso at pagdinig ng kanyang kaso sa korte.

| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments