QC-LGU, binati ang tagumpay ng mga nagwaging atleta sa SEA Games

35

Binati ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga nagwaging atleta sa fencing sa ginaganap na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Nag-courtesy call kay Belmonte ang mga atleta na nakipagtunggali sa fencing na pawang mga residente ng lungsod.

Kabilang sa mga naging kinatawan ng Pilipinas para sa 31st SEA Games na nagpamalas ng husay sa kanilang larangan si Samantha Catantan na nakasungkit ng gold medal para sa women’s fencing individual foil event.


Kasama ni Catantan na nag-courtesy call ang siyam na iba pang mga atleta na nakakuha rin ng silver at bronze medal.

Ikinagalak ng QC Local Government Unit ang naging pagkapanalo ng mga atleta.

Ang 31st SEA Games ay nagsimula noong May 12 at nagtapos nitong May 23.



Facebook Comments