
Cauayan City – Pormal nang binuksan sa publiko ang exhibits ng “Festival King and Queen Costume” at “Queen Isabela Creative Attire” sa Northstar Mall, Alibagu, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bambanti Festival 2025.
Pinangunahan ni Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III, na siya ring Director General ng Bambanti Festival 2025, ang pagbubukas ng exhibit.
Kasama sina Tourism Regional Director Troy Alexander G. Miano, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at iba pang opisyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Layunin ng exhibit na ipakita ang malikhaing disenyo ng mga costume na sumasalamin sa kultura at kasaysayan ng Isabela, habang nagbibigay-pugay sa mga artistang lokal na nagbigay-buhay sa mga natatanging likha.
Samantala, matutunghayan naman ang pagsuot ng Queen Isabela Delegates sa kanilang creative attires sa Grand Coronation Night sa January 22, habang magaganap naman ang Festival King and Queen presentation sa darating na January 23, 2025.