Quezon City at Lungsod ng Maynila, nanguna sa mga lungsod sa NCR na may pinakamataas na naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon; Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pateros, isa na lang

Nakapagtala kahapon ang National Capital Region (NCR) ng 344 na bagong kaso ng COVID-19.

Ito ay base sa inilabas na datos ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David kung saan nanguna ang Lungsod ng Maynila at Quezon City na mayroong 60 na bagong kaso.

Sinundan naman ito ng Pasig City na mayroong 32 na bagong kaso at Paranaque City na may 31 new COVID-19 cases.


Narito rin ang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 ng ibang lungsod:

Makati City – 26
Pasay City – 23
Taguig City – 21
Muntinlupa City – 17
Mandaluyong City – 16
Caloocan City – 15
Las Pinas City – 13
Marikina City – 9
Malabon, Vavotas, San Juan at Valenzuela City – 5
Pateros – 1

Facebook Comments