Rehabilitation czar sa Marawi City, isinulong

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Juan Miguel Zubiri na makakatulong ang pagkakaroon ng rehabilitatation czar para sa Marawi City.

Para kay Zubiri, si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang maaring gumanap sa nabanggit na tungkulin dahil ang marawi ay isang conflict area at mayroon pa ring mga armado sa kapaligiran.

Iginiit din ni Zubiri na dapat ay matapos ang complete reconsturction o rehabilitation ng marawi sa loob ng 18 buwan o hindi na lumampas ng 2-taon.


Diin ni Zubiri, hindi dapat matulad ang Marawi City sa napakatagal na rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng supertyphoon Yolanda na humagupit sa bansa noong november 2013.

Nangagamba si Zubiri na kapag hindi naagapan ang pagbangon ng Marawi ay mayroon na namang mga residente dito ang maengganyo na sumapi sa mga terorista o iba pang grupong radikal.

Facebook Comments