Reklamong alarm and scandal, isasampa sa dating pulis sa viral road rage video – QCPD

Nakatakda na umanong magsampa ang Quezon City Police District (QPCD) ng reklamong alarm and scandal laban sa dating pulis na nagkasa at nanutok ng baril sa isang siklista sa lungsod ng Quezon.

Sinabi ni QCPD Chief Police Brigadier General Nicolas Torre III na apat na police officers ang magsisilbing complainants.

Aniya, gagamitin daw ng mga pulis ang video na naging viral sa social media bilang ebidensiya laban sa suspek na si Wilfredo Gonzales.


Nilinaw rin ni Torre ang mga alegasyon na tinulugan ng mga pulis para mag-ayos ang nasibak na pulis at siklista.

Tiniyak din ng heneral na sa hinaharap ay magpapakita ang PNP ng mga dokumento at ebidensiya na hindi totoo ang mga lumutang na alegasyon.

Facebook Comments