Report number 7 na pagbabasehan ng proklamasyon sa mga nanalong senador, pinaplantsa na ng COMELEC

118

Pinaplansta na ng Commission on Election (COMELEC) ang Canvass Report number 7 na pagbabasehan ng gagawing proklamasyon ng mga nanalong senador bukas.

Ang nasabing canvass report ay ang resolution na ilalabas ng National Board of Canvassers (NBOC) mamayang alas-5:00 ng hapon.

Obligado naman ang mga ipoproklamang senador at kanilang mga kasama sa proklamasyon na magprisinta ng vaccination card na nagsasaad na sila ay fully vaccinated.


Pinadalhan na rin ng COMELEC ng imbitasyon ang 12 nanalong senador.

Inimbitahan din ng COMELEC sa nasabing seremonya ang Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, Senate President Tito Sotto, House Speaker Lord Allan Velasco at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.

Mahigpit ding paiiralin sa magko-cover na mga kagawad ng media ang social distancing protocol alinsunod sa kautusan ng Pasay Local Government Unit (LGU).



Facebook Comments