Nagpapatuloy ang rescue operations sa ilang bahagi ng Pangasinan habang mayroon pa ring mga komunidad na nakararanas ng pagbaha bunsod ng epekto ng Habagat.
Kumikilos ang mga Search and Rescue personnel at response teams ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices o MDRRMOs upang maabot ang mga pamilyang nangangailangan ng paglikas at iba pang agarang tulong.
Sa ilang lugar, kinakailangang suungin ng mga responder ang mataas na tubig upang mailabas sa danger areas ang mga residenteng maaaring malagay sa panganib.
Kasabay ng rescue operations, patuloy din ang monitoring sa mga lugar na nananatiling mataas ang tubig at maaaring mangailangan ng karagdagang deployment ng mga responder.
Pinapayuhan naman ang mga residenteng nasa flood-prone at danger areas na huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon bago lumikas at agad makipag-ugnayan sa kanilang barangay o lokal na disaster response team kung nangangailangan ng tulong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










