RETIRED | Lucas Matthysse, nagretiro na sa boxing

Nag-retiro na sa boxing si Argentine Boxer Lucas Matthysse.

Dalawang linggo ito matapos ang technical knockout loss niya kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Inanunsyo mismo ni Matthysse sa kanyang instagram account ang pagreretiro gamit ang kanyang native language.


Pinasalamatan niya ang kanyang pamilya, mga kaibigan at mga supporter gayundin ang boxing na bumago aniya sa kanyang buhay.

Facebook Comments