PAMIMIGAY NG PAGKAIN, DINALA SA ISANG BARANGAY SA SAN CARLOS CITY

Isinagawa sa Barangay Isla, San Carlos City ang Meals on Wheels program para sa pamimigay ng karagdagang pagkain sa mga residente.

Batay sa ulat, alinsunos umano ito sa programang pangnutrisyon ng lungsod na nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa mga sektor na higit na nangangailangan, gayundin sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa wastong pagkain.

Pinangunahan ang aktibidad ng City Nutrition Action Office sa ilalim ng City Nutrition Committee ng lungsod.

Sa pamamagitan ng programa, isinabay sa pamamahagi ng pagkain ang paalala sa mga residente tungkol sa kahalagahan ng tamang nutrisyon bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments