Bukod sa mataas na heat indices na naitatala sa Pangasinan sa kasalukuyan, nagbabala rin ang PAGASA Dagupan hinggil sa localized thuderstorms o kalat-kalat na pag-uulan na may kasamang kulog at kidlat na pwedeng maging mapanganib kapag nasa labas o open area.
Sa panayam kay PAGASA Dagupan Meteorologist Jose Estrada Jr., kalimitang nagdudulot ng pamumuo ng cumulonimbus clouds ang maalinsangang panahon na nagpapaulan tuwing gabi o madaling araw.
Mainam umano na huwag na lumabas ng bahay upang hindi matamaan ng kidlat.
Sakali namang maabutan sa labas, huwag sumilong sa matatayog na puno at open areas, saad ni Estrada Jr.
Iwasan din umano ang paggamit ng mobile devices sa kasagsagan ng thunderstorm dahil sinusundan din umano nito ang radiation mula sa mga gadgets.
Samantala, asahan naman ang pagtindi ng nararanasang alinsangan dahil sa patuloy na pag-iral ng red high-pressure area na weather system sa bansa.
Nitong Abril, nasa 46°C ang pinakamataas na heat index na pasok sa Danger Category, ang naitala sa lalawigan at posible pang tumaas ngayong Mayo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








