
Kinumprima ng Malacañang na nagpatupad ng movement o pagbabago sa liderato ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, si Atty. Vigor Mendoza II na ang tatayong chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakatakdang manumpa ngayong araw.
Bago ang kanyang muling pag-upo sa LTFRB, nagsilbi si Mendoza bilang chief ng Land Transportation Office (LTO), kung saan itinulak niya ang reporma sa digitalization at mas mabilis na pagproseso ng mga lisensya at rehistro.
Kasabay nito, hinirang naman si Markus Lacanilao bilang bagong LTO chair, habang itinalaga naman si Teofilo Guadiz III bilang chairman ng Office of Transport Cooperatives.
Facebook Comments









