ROAD CRASH | Dalawa patay sa bangaan ng van at truck sa Nueva Vizcaya

34

Nueva Vizcaya – Patay ang dalawang tao matapos magbanggaan ang isang van at elf truck sa Solano, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang mga namatay na sina Fancisco Javier at Marilyn Mendez kung saan patuloy na ginagamot sa ospital si Lily Sobrepenia na nasa malubhang kalagayan.

Nakalabas naman na ng ospital ang limang iba pang nasugatan kabilang ang dalawang bata.

Patungo sana sa bayan ng Maddela, Quirino ang van nang mabangga ng elf truck.

Kusa naman sumuko ang driver ng truck na si Joel Chanpengco pero iginiit na wala siyang kasalanan sa insidente.

Facebook Comments